Thursday, October 14, 2010

ANG MAKINANG PANAHI

Naimbento ang kaunaunahang makinang panahi ni Elia Howe noong 1846. Pinabuti ito ni Isaac Merit Singer noong 1851. Pinasimulan niya ng paggawa ng maramihan ng mga makinang panahi kaya mayroong tatak ang makina na Singer. Ang pagkaimbento ng makina ay iang malaking hakbang na nagpabuti sa gawaing pananahi. Sa makina, mabilis matapos at higit na matibay ang tahi kaysa sa pananahi sa kamay. Ang making panahi ay maaring patakbuhin sa pamamagitan ng paa, kamay o kuryente.

MGA BAHAGI NG MAKINA

Mga pangunahing bahagi:


A) Ulo
B) Kama
C) Ibaba ng makina

A. Ulo - ito ang bahgi sa itaas na binubuo ng maliliit at tiyak na bahagi ng makina

1. Gulong na Pangkamay (Balance Wheel) – ito ang maliit na gulong sa gawing kanan ng ulo na umiikot sa pamamagitan ng kordon sa makina.
2. Tusukan ng karete (Spool pin) - ito ay nasa itaas na bahagi ng ulo ng makina. Dito inilalagay ang karete ng sinulid.
3. Ikiran ng sinulid ng bobina (Bobbin Winder) – ang bahaging ito ay malapit sa balance wheel. Ito ang mag-iikid ng sinulid ng bobina.
4. Pang-ayos ng tahi (Stitch Regulator) – ito ay nakalagay sa ibaba ng ikiran ng sinulid. Inaayos at kinokontrol nito ang haba ng mga tahi.
5. Pang-itaas na panghigpit (Tension Regulator) – Ito ang nag-aayos ng luwag o higpit ng mga tahi ng makina.
6. Panikwas na sinulid (Thread take-up lever) – ito ang bahaging humihila nang paitaas sa labis na sinulid.
7. Kabilya ng Karayom ( Needle Bar) – sa bahaging ito inilalagay ang karayom. Ito rin ang nagdadala ng sinulid sa ibabaw habang nanahi.
8. Presser Foot - ito ang pumipigil at gumgabay sa tela habang nanahi.
9. Tagataas-babang pisador ( Presser Bar Lifter) – bahaging nagtataas at nagbaba sa presser foot.
10. Face Plate- takip sa bandang kaliwa ng braso na maaring alisin upang maparaan ang kabilya ng karayom.
11. Turnilyong Pampaandar (Stop Motion screw) – ito ang malaking turnilyo sa gitna ng balance wheel. Maari itong luwagan o sikipan. Itinitigil nito ang galaw ng makina kapag niluluwagan at pinaandar naman kapag sinisikipan.















B. Kama ( Bed) - ito ang patag na bahagi ng ulo ng makina. Sa ilalim nito pinaandar ng shuttle ang galaw ng sinulid.

1. Metal na pambibig ( Throat Plate) – ito ang makinis at makintab na metal sa ibabaw ng kama na pinagdaraanan ng karayom at sinulid.
2. Ngipin ng makina ( Feed Dog) ito ay nasa ilalim ng presser foot. Ang bahaging ito ay may ngiping gumagalaw na siyang nag-uusad sa tela habang ito ay tinatahi.
3. Takip na metal ( Slide Plate) – ito ay nasa gawing kaliwa ng kama. Yari ito sa makinis at makintab na metal. Binubuksan ito kung aalisin o ilalagay ang kaha sa bobina.
4. Kaha ng bobina (Bobin Case) – pinaglalagyan ng bobina.
5. Bobina (Bobbin) dito inilalagay ang sinulid sa ilalim ng makina.















C. Ibaba ng Makina

1. Koreya, Kulindag o Kurdon (Belt) – ito ay balat na lubid na nag-uugnay sa maliit na gulong sa ibabaw at sa malaking gulong sa ilalim.
2. Malaking Gulong (Band Wheel) - makikita sa gawing kanan sa ilalim ng cabinet ng makina. Ito ang malaking gulong sa ibaba na kinakabitan ng koreya at nagpapaikot sa balance wheel.
3. Pidal (Treadle) – dito pinapatong ang mga paa upang umandar o umikot ang malaking gulong sa ilalim sa tulong ng pitman rod.
4. Band Wheel Crank – ito ang bahaging nagpapaikot sa malaking gulong sa ilalim.
5. Pangawit (Pitman Rod) - isang mahabang bakal na naghuhugpong sa pedal at sa malaking gulong.
6. Giya ng Koreya (Belt Guide) - pumapatnubay sa koreya upang hindi mawala sa lugar.


KASANAYAN SA PANANAHI MAKINA

Mga Panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan

A. Pangkalusugan
1. Maupo ng maayos
2. Ilagay ang makina kung saan ang liwanag ay nangagagling sa ibabaw ng balikat.
3. Laging iwasan ang tuwid na liwanag o nakakasilaw na ilaw.
4. Gumawa nang may malinis na kamay.
5. Sa pagputol ng sinulid gunting lamang ang gamitin.
6. Pamalagiing malinis ang mesang gawaan.

B. Pangkaligtasan
1. Ang gunting, aspili at karayom ay hindi dapat hawakan sa matutulis na bahagi.
2. Kung ang gunting ay iaabot sa ibang tao, iuna ang hawakan.
3. Ang mga daliri ay huwag ilalalagay sa ilalaim ng presser foot.
4. Sa gawing kanan ng makina ipatong ang gunting.
5. Iwasan ang paglalagay ng karayom o aspili sa bibig. Itusok ito sa pin cushion kung hindi ginagamit.